The first day of the last month :)
Ito ang araw na di ko malilimutan, at di ko inakalang may mangyayari pala sakin na ittreasure ko at aalagaan ko, at pananatiliin kong buhay forever :)
Normal lang naman na araw kanina eh, maaga akong gumising para mapuntahan agad ang love ko. Host kasi siya ng event namin sa school at first time nya to, so imma be there to support her umpisa pa lang. Pagkakita ko pa lang sa kanya kanina shet tinamaan na naman ako ng magaling, sobrang ganda niya kasi, yun nga lang mejo nabadtrip ako kasi yun pa ring maikli na damit ang sinuot nya, alam nyto naman mahirap na pag nasilipan, wala pang cycling, kaya ayun maktol ako dun hanggang tumawag ako sa kanila para magpakuha ng cycling shorts, ayun nagsimula na ang event, mejo nasaktan lang ako nung haranahin siya ng daddy’s home at akbay akbayan pa, alam nyo yun na para sa ikatutuwa ng iba, pero di nila naiisip yung sakripisyo ng isa, parang ang unfair pa din. Yae na ganun talaga nangyari na eh walang magagawa.Umuwi na kami sa bahay nila pagkatapos, pahinga lang tapos kain ng dinner na binili sa labas, pagkatapos pinag intay niya ako ng pagkatagal tagal doon sa sala nila dahil may gagawin daw xa sa bahay ng mga lola nya, hanggat ayun nung sinabi kong uuwi na ako kasi gabi na, doon na nagsimula ang lahat, isinama niya ako sa bahay ng lola niya at pumunta kami sa Christmas tree hanggang doon niya na sinabi sakin ang matagal ko ng hinihintay na gusto niyang sabihin “YES” mejo nag hang ang utak ko kailngan ata mag reboot hanggang sa natauhan ako na shet yung yes ba na yun ay kami na officially, niyakap ko na lang xa ng mahigpit at hinalikan at sinabing I love you hanggang sa tumulo ang luha ko.
Sobrang saya ko lang na hindi maipaliwanag na nagsisigaw pa ako sa daan ng “WOOHOO!” nagpa talon talon pa ako sa kalsada, ngiting ngiti habang nasa byahe, bumili ng Hot choco sa vendo at sumakay ng tricycle at iniinom yung hot choco sa maugang tricycle kaya natapunan pa ako ng hot choco na talaga namang hot at napaso ako pero okay lang yun! Masaya pa rin ako! tapos smile na smile ako pagdating sa bahay takang taka ang nanay ko at para daw akong luko tapos patawa tawa ako at niyakap ko siya.
Ang pag sagot nya sakin ay ipinaalam nya pa sa buong pamilya nya na kaya lang umuwi ang daddy nya para lang makapagpaalam ng dahil don, kasabwat pa niya mommy at kapatid nya pati na si ate ayeng na todo suporta sakin para isurprise ako, kahit mga tito at tita nya excited din para sa amin, kahit na lolo at lola nya aprub na din ako :)
Ang saya saya ko :) Promise!
We are like pieces of a puzzle; our jagged edges fit perfectly together.
Namiss ko bigla yung Ice cream ng Golden Spoon ah? lalo na yung katabi ko :)
@Resorts World Manila
Nakakagimbal na araw, Alamat kung tawagin.
Last tuesday, Niyaya niya ako kung gusto ko daw sumama sa farm nila at tulungan ko daw siya magplano kung ano gagawi namin dun sa future :), kasi may plano kaming magtayo ng cafe at pinaplan namin mag tanim ng treelings ng coffe at cacao, pero pansamantala tumulong daw muna kaming magtabas ng mga damo, kaya naman agad akong umoo at pumunta sa kanila. Excited! haha. Una kaming pumunta sa farm A, Whow! ang lawak! mangha ako kasing laki ng Oval yata ng school namin yun e. pagkatapos may pinuntahan pa kami, yun pala farm dinl nila yun fam B,C,D,E,F. Kung mangha na ako sa lawak ng farm A ay grabe mas malawak tong mga farm na to kasi dikit dikit sila, 2x na laki siguro to ng school namin, walang biro. Binisita namin yung poultry at akala ko magtatabas na kami pero naiba ang plano. Pupunta daw ng Resorts World Manila! Hayahay! Lakas ng trip ko sumama ako kahit nakapambahay lang haha. Ay grabe Promding Promdi ang dating ko dun, talagang bawat tindaha nililingon ko, kasi first time. Wala na akong pakialam kahit ganun suot ko basta alam ko mag eenjoy ako hehe. As usaul foodtrip na naman ang bonding namin dun MCDO, Serenitea, Golden Spoon, at dun sa resto pala ni Marvin Agustin na Johnny Chow. Di ko mallilimutan ang araw na yun!
Ferrari. Right? :)
Mitsubishi :)




6